Protesta ng mga hukom tuloy

TULOY ang protesta ng Philippine Judges Association (PJA) at Metropolitan and City Judges Association of the Philippines hanggat hindi pa nadedesisyunan ng Kongreso ang kanilang apela na ikonsidera ang 14.3 billion pesos budget sa hudikatura para sa 2011.

Ayon kay PJA President Judge Antonio Eugenio, nagsimula ang kanilang symbolic protest ngayong araw at tatagal hanggat hindi pa nareresolba ng Kongreso ang isyu sa budget cut.

Sinabi ng hukom na tuwing Lunes ay magsusuot sila kasama ang mga court employee sa buong bansa ng itim na t-shirt bilang bahagi ng kanilang pagpapakita ng protesta sa pagtapyas sa pondo ng hudikatura.

Sakaling hindi naman aniya magdesisyon ang Kongreso pabor sa kanila ay saka sila mag-iisip ng panibagong hakbang na gagawin.

Kaugnay nito, dumepensa si Eugenio sa hindi nila pagkonsulta sa Korte Suprema dahil nitong Biyernes lamang nila napagkasunduan ang gagawing nationwide protest at kapos na sa panahon para maipaalam ito.Teresa Tavares

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply