Mag-ingat sa pagbili ng substandard laptops

BINALAAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko sa pagbili ng mahihinang klase o substandard na laptop o portable computers na nagkalat sa merkado ngayong Kapaskuhan.

Ang babala ay ipinahayag ni DTI Undersecretary Zenaida Maglaya na nagsabing wala pa umanong product standards ang ahensiya sa mga computer at laptops.

Patuloy pang nagsasagawa ng talakayan ang mga concerned government official ukol dito kaya kailangang lalong maging maingat ang publiko, aniya.

Dapat tiyakin na ang laptop na bibilhin ay may pangalan, contact number, at address ng manufacturer at importer, ayon sa DTI.

Mahalaga rin aniyang malaman at tandaan kung sino ang retailer nito para kung sakaling magkadiperensya ang produkto ay maaari itong isauli o papalitan ng customers. Johnny F. Arasga

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply