Pulis bawal din maglaro ng paputok

MALIBAN sa pagbabawal sa pagpapaputok ng baril, mahigpit na rin ngayong pinagbabawalan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang lahat ng pulis sa Metro Manila na magpaputok ng anumang uri ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon

“Pinagbawal ko sa pulis natin ang pagpapaputok ng firecrackers, kahit di naka-duty. Lalong maganda makita ng kabataan na hindi nagpapaputok
ng anumang uri ng paputok ang ating mga kapulisan para sila ang maging ehemplo ng kabataan,” ani Director Nicanor Bartolome ng NCRPO.

Ayon kay Bartolome, pinaigting nila ngayon ang kampanya ng pamahalaan laban sa paputok upang hindi na makapagtala ng mga insidente ng naputukan sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Kabilang sa ginagawang remedyo ng ilang lungsod ang maglalagay na lamang ng “common firecracker zone.”

Mas susunod umano ang publiko na hindi gagamit ng paputok kung mismong ang mga pulis ang unang iiwas dito.

Hinikayat ni Bartolome ang publiko na iulat sa kanilang tanggapan ang sinumang pulis na makikita nilang magpapaputok ng baril o paputok.

Maaaring mag-ulat ang publiko sa kanilang hotline na 838-0515 at pwede ring mag-text sa “Isumbong mo kay Chief” sa 0917-8475757.

Sinabi pa ni Bartolome na sa darating na linggo ay lalagyan na ng “busal” ang nguso ng mga baril ng kanyang mga pulis upang makatiyak na hindi makapagpapaputok.

Ayon kay Bartolome, ang mga pulis na lalabag sa direktiba ay mahaharap sa parusang administratibo. Johnny F. Arasga

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply