Putok update: 8 biktima ng stray bullets; 229 sugatan sa firecrackers

UMAABOT na sa walo katao ang nabibiktima ng stray bullet bago pa man sumapit ang pagsalubong ng Bagong Taon, ayon sa Department of Health (DOH).

Ang datos ay batay sa Kampanya Kontra Paputok Surveillance ng DOH mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 30.

Samantala, 229 naman ang naitalang kaso ng firecracker-related injuries sa bansa, batay pa rin sa nasabing DOH minotoring sa nasabing mga petsa. Mas mababa pa rin ito ng walong kaso o 3 porsiyento mula sa naitala noong 2009.

Pinakamaraming kaso ng firecracker-related injuries sa National Capital Region. Sa kabuuan, 216 (94 porsiyento) ang mga taga NCR na nasugatan dahil sa paputok; walo (4 porsiyento) ang sugatan sa stray bullets at lima (2 porsiyento) naman ang nabiktima ng fireworks ingestion. Nananatiling isa sa Kamaynilaan ang naitalang patay dahil sa paputok.

Karamihan din sa nasugatan ay nasa edad na isa hanggang 10 taong gulang o 88 kaso (41 porsiyento).

Pagpapaputok pa rin ng piccolo ang pangunahing dahilan ng pagkasugat ng maraming biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply