QTV Channel 11 Letlet Awardee, hubo’t hubad sa 2010 MMFF

KAMAKAILAN ay binigyan ng award ang aktres na si Chanel Latorre ng “Tweetbiz” ng QTV Channel 11 sa pamamagitan nina Maxene Magalona at Tim Yap kasama ang mga paparazzi ng programa.

Letlet Award ang ipinagkaloob na parangal kay Chanel na ang ibig sabihin ay Starlet mula sa huling pantig ng kataga na let.

Tuwang-tuwa si Latorre sa pang-ookray sa kanya dahil palabas lang naman ‘yon at alam niya ang katotohanan na bagita pa lang siya at may kakayahan na maging malaking bituin at sina Tim kasama sina Ronnie Carrasco, Gorgy Rula at iba naman ay wiling-wili rin sa aktres.

Tinarayan pa nga ni Chanel si Lolit Solis na biglang natameme.

***

Pero ang Letlet Award kaya ni Latorre ay makaigpaw sa kanyang paghuhubad sa pelikulang “Rindido” na isa sa limang opisyal na lahok sa 2010 Metro Manila Film Festival Philippines sa kategoryang indie films?

Sasabak sa halikan, lampungan, dyugdyugan at lingkisan ng katawan sa katawan si Chanel kasalo ang kanyang kabituin at kaeksenang si Noriel Jarito na siya rin niyang direktor.

Pero siyempre’y papel lang sa puting tabing ang lahat ng ito at hindi naman totoong buhay kundi ilusyon lang na puwedeng gawing pantasya at tunay na pangyayari sa utak at puso ng mga manonood lalo na ng kalalakihan.

Dahil ang higit na dapat mangibabaw ay ang pang-unawa sa kabuuang kahulugan ng pelikula at hindi sa pampalibog lang na parte.

***

Walang hiya na talaga si Latorre dahil siya ay isang artista na gumaganap lang sa isang katauhan, sumasalalim sa kaganapan sa buhay sa lipunan bagamat kailangan ding sipatin at limiin ang bawat himaymay ng obra kung umaakma ang mga ito sa ibig sabihin ng paksa at ng karampatang sining na inilapat dito.

Tungkol kasi sa isang OFW ang pelikula na umuwi sa Pilipinas nang malamang kumakaliwa hindi lang ang kanyang asawa kundi ang kanyang kabit kaya siya ay narindi at naghasik ng lagim sa mga nagkanulo sa kanya.

“Kailangang maging realistic at artistic ang akting ko sa pelikula kaya wala akong pakialam. Kung magagalit ang ‘Tweetbiz’ sa pagbibigay ng Letlet Award sa akin, wala akong magagawa. Papatunayan ko talaga na hindi ako magiging starlet lang,” pahayag ni Chanel na determinado.

Matatandaan na kontrobersyal din si Latorre sa kanyang papel na tomboy sa “Latak” ng Outline Films na idinirek ni Jowee Morel at puta naman sa Hong Kong ang kanyang papel sa Hollywood-Hong Kong coproduction ng “Wai Chai Baby” na siya ang bida na ipalalabas sa 2011.

Sa pagitan pa ng mga ito ay ang dami niyang ginawa at ipinalabas nang pelikula kaya paano sasabihing starlet si Chanel?

***

Suportado ng maraming taga-showbiz ang “Rindido” na kalaban kahit magkahiwalay ang playdate nito sa 2011 ng iba pang mahuhusay na pelikula tulad ng kay Adolf Alix, Jr. at maging ng mga obra nina Vic Sotto at Bong Revilla kasama pa sina Kris Aquino, Marian Rivera, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo at ibang popular na mga bituin.

Sasakay din sa karosa ang mga bituin ni Noriel na sina Vic Tiro at Gerry Jumanan kalulan ang iba pang artista nina Adolf at iba pang direktor.

Maliwanag na kasama ang mga pelikula nina Jarito at Alix, Jr. sa 2010 MMFFP kahit sabihing indie o digital ang mga ito.

Iisa ang palaruan na ginagawalan ng mga ito. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply