Rayver Cruz, dedma sa love tiangle issue kina Sarah at Cristine

HINDI man sinasadya ay napapaloob na naman si Rayver Cruz sa napakalaking intriga ngayon.  Siyempre naman, dahil pinakaaabangan ang kanyang magiging reaksiyon tungkol sa naging bangayan ngayon nina Cristine Reyes at Sarah Geronimo, dahil siya ang lalaking pinag-ugatan ng nasabing kontrobersiya.

Pareho kasing nagkaroon ng kaugnayan sa kanyang lovelife ang dalawang nabanggit na mga sikat na kabataang aktres sa showbiz.

Lagi kasing sobrang matahimik si Rayver.  Madalas ngang mangyari, na kahit siya na ang naiipit sa kontrobersiya ay mas pinipili pa niya ang manahimik na lamang kesa mas lumala pa ang mga intrigang nadadamay ang kanyang personalidad.  Kaya nga, marami ang bumibilib sa kanya sa kanyang ugali.  Noong may isyu sila ng mga magulang ni Sarah, ay sobra siyang nanahimik kahit nasasaktan na talaga siya sa mga nangyayari.

Dahil sa mga pagtataray ni Cristine kay Sarah sa pamamagitan ng twitter account ng sexy star, ay pinalalabas ng sister ni Ara Mina, na si Sarah ang hahabol-habol kay Rayver.  Pero kung nananahimik si Rayver at wala halos nagsisimpatiya kay Cristine, ay marami naman ang nagsasabi, na hindi rin magre-react ang bida ng teleseryeng “Kristine” ng ABS-CBN kung wala siyang pinanggagalingang dahilan para maglabas siya ngayon ng kanyang mga sama ng loob sa anak ni Mommy Divine.

KRIS AQUINO, SA PELIKULA NA LANG TUMITILI, TIKOM NA ANG BIBIG KAY JAMES

KAKAIBA naman talaga si Kris Aquino kapag siya na ‘yung todo-todong tumitili sa mga nakakatakot na eksena ng kanyang mga pelikula kapag nasisindak siya.  Huli siyang napanood sa horror movie na “Sukob” nila ni Claudine Barretto noon.

Pero sa darating na Pasko, sa idaraos na Metro Manila Film Festival-Philippines ay mayroon siyang bagong pelikula, ang “Dalaw” ng Star Cinema, at muli na naman daw itong mananakot sa mga manonood.

In fairness kay Kris ay magaling talaga siya sa timing. Dati-rati kasi ay talagang marami ang nauumay at naiinis sa kanya, dahil wala nang katapusan ang isyu tungkol sa pagpapawalang-bisa ng kasal nila ni James Yap.  Hindi nga ba’t naging isyu pa noon, na negatibo na ang dating niya sa publiko, dahil mayabang at mataray ang dating ng kanyang mga binibitiwang salita parati, patungkol sa daddy ni Baby James.

Pansinin n’yo, na biglang nanahimik ang kampo ni Kris sa pagpapakawala ng mga salita tungkol sa hiwalayan nila ni James.

Kamukat-mukat mo, ay ang kanya palang ex-husband ang naging double sa isang medyo seksing eksena ni Tetay sa “Dalaw” kung saan ay magkasiping sila sa kama.  Puro positibo na rin ang kanyang mga sinasabi tungkol sa daddy ni Baby James, kaya nakakakilig tuloy ang dating, lalo pa’t friends na raw talaga sila ngayon.

Kaya hayan, wala tuloy kumokontra na dahil bait-baitan na si Krissy kay James, ay tatabo sa takilya ang bagong movie niya. Melchor Bautista

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply