Red tide sa Bataan nananalasa pa rin

POSITIBO pa rin ang walong baybayin sa Bataan sa red tide toxin.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources  (BFAR) Director Malchom Sarmiento, mahigpit pa rin nilang ipinagbabawal ang pagkain ng mga shellfish sa baybayin ng Orani, Pilar, Limay, Mariveles, Balanga, Abucay, Orion at  Samal dahil lumalabas pa rin sa resulta na nagtataglay ang mga lamang dagat dito ng paralytic poison.

Pinawi naman agad ng BFAR ang pangamba ng mga residente na naninirahan malapit sa Bulkang Bulusan na kontaminado ng sulfur dioxide ang mga isda rito.

Dahil dito, tiniyak ng Kalihim na nananatiling ligtas kainin ang mga isda pero kailangang hugasan munang nang maiigi bago ito lutuin.

Kaugnay nito, positibo pa rin sa red tide ang mga baybayin ng Sorsogon bay, Murcielagos bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Oriental; Dumanguilas bay sa Zamboanga  del Sur; Matarinao bay sa Eastern Samar; Carigara bay sa Leyte at sa Bislig bay sa Bislig City, Surigao del Sur.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply