Regine, Ogie ipina-waive ang regalo ng mga dadalo sa kasal para sa kanilang foundation

BONGGA ang ibinigay na Christmas party ni Sharon Cuneta para sa piling-piling entertainment press na ginanap sa Crown Plaza Hotel. Kasamang dumating ni Megastar ang isa sa anak nila ni Senator Kiko Pangilinan na si Miel na gusto raw mag-artista.

Dahil alam ni Shawie na mahihirapan ang mapalad na reporter na magwagi ng appliances ay nagdecide ito na cash na lang ang ipa-raffle niya.

Ayon sa ilan press na dumalo sa Xmas party ni Magastar ay tinalbugan pa raw nito ang pa-Christmas party ng Network dahil bukod sa lahat ng imbitado ay nanalong masaya at nagkaroon pa ng second raffle na cash prize din.

Nagsimula sa P2,000 hanggang sa umabot sa P50,000 cash ang ipina-raffle ni Megastar, bukod pa doon sa Xmas card na ibinibigay niya sa press na may laman pakimkim.

Anyway bago nagsimula ang pa-raffle ni Megastar for the press ay nakipagtsikahan muna ito at naungkat ang tampuhan nila ni Aga Muhlach.

Ayaw nang isipin ni Sharon ang namagitang isyu sa kanila ni Aga. Okey na raw sila ng actor at tapos na ang isyu.

Sa pagkahilig naman ng anak niyang si Miel sa showbiz. Susuportahan daw nila ito basta tapusin muna nito ang pag-aaral.

Samantalang excited na si Shawie sa nalalapit na kasal nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez na kung saan isa siya sa principal sponsor.

Isa sa kinabiliban ni Sharon sa kasal ng dalawa ay ang pagwi-wave ng dalawa sa matatanggap nilang mga regalo mula sa mga ninong at ninang, maging sa kanilang mga guest. Mas gusto raw nina Ogie at Regine na ibigay na lang ang mga ito sa mga sinusuportahan nilang foundation.

Ang listahan ng pangalan ng foundation ay nakasulat sa pinakamaliit na larawan nina Regine at Ogie sa loob ng invitation nila na may titulong “We`re Getting Married.”

****

Every year, tuwing sasapit ang Kapaskuhan ay hindi nakakalimot ang Revilla family na mag-share ng blessing sa press dahil para kay Senator Bong Revilla ito ang paraan niya para magpasalamat sa entertainment press na sumuporta at nakatulong sa kanila.

This year isinabay niya ang Christmas party for the press sa grand presscon ng “Si Agimat at si Enteng Kabisote” na ginanap sa Annabels resto last Dec.17 kung saan katakut-takot na cash prizes ang kanyang ipinamudmod katulong ang kapatid na si Andrea Bautista.

Siniguro ni Bong lahat ng humigit kumulang sa 150 press na dumalo ay mananalo kaya nagdagdag pa siya ng P200,000 nang bandang huli. (Hindi lahat ng press kasali, pinili lang nila—ED)

“This is my best year, si Lani (Mercado) naging congresswoman, si Strike, mayor ng Bacoor at naging LMP president. Si Jolo (Revilla) naging kapitan, naging ABC Confederation president at board member na ngayon at ako naman naging number one senator, so kumbaga, wala na akong hihilingin pa, we`re bless ng Panginoon,” pahayag ni Bong sa grand presscon and Xmas party for the press ng Si Agimat at si Enteng Kabisote.

TV5, NAGBUKAS NG REMOTE TELECAST SA PANGASINAN

Nakakagulat ang dagsa ng tao sa ginawang remote telecast ng Willing Willie sa Lingayen, Pangasinan last Saturday

Kasama kami sa ilan press na inimbitahan para saksihan ang first remote telecast ng TV show ni Willie sa Pangasinan.

Sabado ng umaga kami umalis from Manila at pasadong ala-una nang hapon kami dumating doon at nag-check in sa hotel sa Dagupan Pangasinan.

Bago ang live remote telecast ng Willing Willie ay nagkaroon muna ng presscon sa mga local media sa Dagupan Pangasinan ang TV 5 big boss para ipaalam na magtatayo sila ng station sa naturang lugar.

Nakakagulat ang gagastusin ng TV5 para makapagtayo ng sariling station sa naturang lugar. At simula pa lang yun dahil lilibutin nila ang bansa para magtayo ng sariling transmission ang Kapatid Network.

Pagkatapos ng presscon ay nakausap namin si Percy, head and creative for entertainment para hingan ng reaction sa pagkalat ng balitang pumirma ng kontrata si Aga Muhlach sa TV5.

Ayaw magbigay ng pahayag si Mr. Percy. Antayin na lang daw ang ihahanda nilang malaking pagbabago sa TV.

Pero hindi itinanggi ni Mr. Percy na kapag nagkakausap sila ni Vic del Rosario ay napag-uusapan ang posibleng paglipat ni Sarah Geronimo sa TV5.

Itinanggi naman niya ang balitang kinakausap nila sina Piolo Pascual, Sam Milby atbp talent ng Dos para lumipat sa Singko.

Wala raw ganoon nangyari dahil di raw nila ugali na makipag-deal sa mga artista na alam nilang may exclusive contract sa alinman TV network. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply