Regine, umaming tatlong taon nang nakikipag-live-in kay Ogie

THREE-KARAT, heart-shaped diamond ring ang suot na engagement ring na bigay sa kanya ni Ogie Alcasid,  at ayon sa Asia’s Songbird, family heirloom iyon ng mga Alcasid na galing pa sa ina ng singer-songwriter at pina-resize na lang para magkasya sa kanyang payat na daliri.

Napag-usapan ang detalye ng nalalapit nilang kasal ni Ogie on Dec. 22, sa launching ng kanyang bagong album under Universal Records, pero ayon kay Regine, hindi niya talaga masyadong alam ang details dahil ang kapatid niyang si Cacai Mitra ang namahala ng wedding at pupunta na lang siya sa mismong venue.

Basta say niya, Christian wedding iyon dahil hindi pa naman sila puwede sa Catholic wedding since hindi pa annulled ang kasal nina Ogie at Michelle van Eimeren sa church dito. (Eh, di mas lalong di pa pwede, bakit sila agad magpapakasal?–ED)

Dumating na ba ang gown na gawa ni Monique Lhuillier?

“Parating na, naglalakad na,” pabiro niyang sabi.

Actually, ayon kay Regine, naiinip na siya at masyado nang natatagalan sa kanilang kasal. Since July pa raw kasi, nagpe-prepare na sila kaya inip na inip na siyang dumating ang Dec. 22.

Finally, ilang araw na lang daw at magaganap na ang kanilang pinakahihintay.

Matatandaang inamin na rin naman ni Regine sa publiko na nagli-live-in na sila ni Ogie, pero open secret naman ito sa press noon pa, kaya nagpapasalamat ang singer na hindi na ito masyadong pinaglaruan pa ng media. (Matagal na silang nagha-honeymoon—ED)

Three years na silang nagli-live-in at ayon kay Regine, naging advantage ito on her part dahil mas lalo niyang nakilala ang boyfriend.

“You know, it’s actually, parang the best decision I’ve ever made – to live together first before we get married, because I won’t be shocked anymore, kasi nakapag-adjust na kami, eh. Three years na kaming living together, so, nandu’n na ’yung adjustment.

“Ang saya, parang bahay-bahayan, and kahit hindi pa kami kasal, there’s this line, parang invisible line na ayaw naming i-cross, kasi nga, merong ganu’n,” pahayag pa ni Regine.

Samantala, kahit na ang akala ni Regine, eh, next year pa mailulunsad ang Fantasy album, magiging Christmas treat na rin ito para sa kanyang mga tagahanga dahil dalawang CD ang laman ng nasabing package kung saan may choice pa ang mga bibili kung gusto nilang colored o black and white ang photos sa album.

Gusto ring i-push ni Regine bilang kasapi ng OPM na ma-promote ang original songs na kasama sa album kung saan may isinulat din ang kanyang partner na si Ogie at ipinarinig niya sa amin ang You Don’t Know.

Pero, idea niya rin ’yung magsama ng mga cover version sa isa pang CD dahil alam niyang marami rin ang may gusto at nagkagusto sa kanyang Low Key album na tinangkilik ng marami.

Labing-dalawa ang original songs at 10 ang cover versions. Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply