Remate, Hataw umuwing luhaan

Itinodo na ng undefeated Philippine Star ang kanilang husay at laki upang talunin ang maliliit na Team Remate sa semi-finals, 92-71, sa Remate/Ahon Foundation Inter-publication  Basketball Tournament na ginaganap sa San Andres Sports Complex sa San Andres, Manila.

Pasok sa finals ang PhilStar at ang makakalaban nila ay ang Team People’s Tonight na lumampaso naman sa Team Hataw, 122-109, sa second game.

Maganda ang ipinakita ng Remate kontra sa PhilStar subalit hindi iyon sapat upang talunin ang PhilStar  na gumamit ng matinding depensa at opensa kung saan pinaulanan nila ng 3 points ang stadium. Nagamit rin nila ang kanilang laki upang mapagod ng husto ang kalaban.

Medyo nahirapan naman ang Tonight sa Hataw dahil pinayagan nilang maglaro ang apat sa bago nitong hugot na ayon sa rules ay hindi na pwedeng maglaro dahil hindi naka-line up at bukod pa doon ay hindi nakapaglaro sa elimination rounds.

Pumayag ang Tonight subalit may pasubaling  kung sakaling masilat ay saka na lang mag-usap usap o ‘di kaya’y bahala na kasi nakakahiya.

Maglalaban sa finals ang PhilStar at People’s Tonight samantalang magbabakbakan naman sa 3rd and 4th place ang Remate at Hataw.

Nagpapasalamat si Rico Navarro, Sports Coordinator ng Remate/Ahon Foundation, sa mga lumahok sa palaro na nagtagal rin ng ilang linggo.

“Salamat ng marami at inaanyayahan ko kayong muli na lumahok sa susunod na Remate Basketball Cup na tatawaging “Remate Basketball  Tournament  6-Pababa” sa Marso o Abril kung saan magkakaroon ng height limit na 6 feet pababa sa mga maglalaro sa koponan,” ani Navarro.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply