Retrenchment, welga sa PAL, hinarangan ni PNoy

HINARANGAN ni President Benigno Aquino III ang retrenchment ng 2,600 empleyado ng Philippine Airlines matapos na ipasailalim niya sa kanyang hurisdiksyon ang labor dispute sa PAL.

Sa kanyang Dec. 15 assumption order, sinabihan ni Aquino ang PAL at ang labor union nito “to desist from undertaking any action that will aggravate the situation.”

Binigyan ng 10 araw matapos matanggap ang order ang PAL management na magsumite ng komento sa aksyon ni Aquino na mag-intervene sa dispute.

Inutusan din ni Aquino ang PAL Employees Association na huwag ituloy ang pinaplano nitong welga.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply