Reunion ng mag-asawa sa UAE, lalaki na-coma

NAUWI sa luha ang dapat sana’y masayang muling pagkikita ng mag-asawa sa United Arab Emirates (UAE) makaraang ma-coma ang lalaki na dumating ng naturang bansa noong nakaraang buwan.

Dahil dito, problema ng  pamilya ni Roden, Alberto, 40, ang pagbabayad ng kanilang hospital bills na umabot sa halagang Dh (Dirhams) 75,000 (P890,586), at nangangailangan pa sila ng halagang Dh59,000 (P700,594) upang maiuwi siya sa Pilipinas, ayon sa Gul News.

“How can we afford this? Please, somebody help us,” apela ni Rechel, asawa ni Alberto.
Ayo pa kay Rechel, hindi sakop ng insurance ni Alberto ang grave illness.

“Roden was back on a visit visa to look for another job. We wanted to make the most of our lost time together, even have a baby,” dagdag pa ni Rechel Albertona nakalathala sa Gulf News.

Nakaranas ng paghihirap ang mag-asawa makaraang mawalan ng trabaho si Roden sa UAE at bumalik na lamang ng Pilipinas. Habang si Rechel naman ay nagpatuloy sa kanyang trabaho bilang administration supervisor sa isang construction company sa UAE.

Nabatid na nagising na lamang si Alberto  noong Oktbure 17 na sobrang sakit ng kanyang ulo at dumanas ng stroke. Inatake ito ng ilang oras pa.

Nang dinala na ng ambulansya si Alberto sa Rashid Hospital, malaki na ang damage sa kanyang kalusugan. Batay sa kanyang medical report, dumanas si Alberto ng acute ischemic cerebrovascular stroke na may tonic-clonic convulsion.

Naratay si Alberto ng ilang linggo sa Intensive Care Unit sa Rashid Hospital bago nailipat sa medical ward ngunit nasa coma pa rin ang kondisyon nito.

“Why did this have to happen to us? This is all so sudden. I could not monitor his health in the past year since I was here and he was in Manila,” dagdag pa ni Rechel.

Dagdag pa ni Rechel, nakatakda na umano sanang muling magsimula sa trabaho bilang supervisor si Alberto noong Nobyembre 10.
“We wanted to start our lives all over again,”dagdag pa ni Rechel.

Nabatid pa kay Rechel na naghanap pa sila ng hospital sa Manila upang mailipat sana si Alberto.

“I cannot stay with him in Manila for a long time as I have to come back to work here. I have to keep my job going to provide for the family,” ayon pa kay Rechel.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply