Roach Trainer of the Year na naman

MULI na namang itinanghal si coach Freddie Roach bilang Trainer of the Year ng isang online magazine.

Si Roach ay nasungkit ang kanyang third straight honor at fifth sa nakaraang walong taon.

Lalong nagiging dominante si Roach nang manalasa si Congressman Manny Pacquiao at itanghal siyang pinakamagaling ng SecondsOut.com.

Nabatid na ang award na hindi lamang binibigay sa trainer na mayroong mahusay na fighter kundi para rin ito sa isang tulad niyang mabagsik gumabay ng atleta.

Si Roach ang siyang coach ni British boxer Amir Khan na mula nang mahawakan nito ay naging mahusay pa lalo sa ring.

Matatandaan na si Khan ay naging sparring partner ni Pacquiao sa paghahanda nito kay Antonio Margarito habang ang una naman ay naghahanda kay Marcos Maidana.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply