Sa laban kontra Mayweather, Pacman payag sa blood test

“KAYANG pabagsakin ni Floyd Mayweather Jr. ang tatlong Manny Pacquiao sa isang araw,” ito ang mariing sinabi ni Floyd Mayweather Sr., sabay hamon kay Pacman na kung gusto niyang matuloy ang laban ay  pumayag ito sa random blood testing.
Pareho naman kayong sasailalim sa random drug test, ano pa ang kinatatakot mo, pwera na lang kung may itinatago ka,” ani Floyd Sr sa isang interview.

Inamin rin ng ama ni Floyd na siya mismo ang pumipigil sa kanyang anak na labanan itong si Pacman dahil hindi patas ang magiging laban kung  ang isa sa kanila ay gumagamit ng droga na pampalakas.

“Kung willing ka (Pacman) talagang dumaan sa random blood testing o sige tuloy ang laban pero kung patuloy kang tatanggi, e malabo ng matuloy ang tinaguriang “fight of the century”, ani Floyd Sr.

“Sa tingin ko kaya namang paluhurin ni Floyd si Pacman kahit gumagamit pa ito ng pampalakas na droga, pero bakit ko naman ilalagay ang anak ko sa alanganin, dapat patas ang laban at dumaan siya sa random blood test upang masiguro na hindi siya gumagamit ng power enhancing drugs,” ani Floyd Sr.

Gusto ko ring mapanood ang laban nilang dalawa at gusto rin ni Floyd na labanan ang Pinoy kaya tanggapin mo na Pacquiao ang hamon na sumailalim kayong dalawa sa random bloodtest, hamon  ni Floyd Sr.

Nagtataka na rin ang mga fans kung sino talaga sa dalawa ang nagsisinungaling, si Pacman ba o si Floyd Jr.

Ayon sa mga fans, bakit ayaw pumayag ni Pacman, kung talagang wala siyang tinatago, pumayag na siya sa random blood test upang matuloy na ang laban at mapatunayan kung sino talaga ang pinakamagaling na boksingero sa mundo.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply