Salamat sa TESDA: “If there’s a will…there’s a way”—Johanna Angela Palmer

TOTOO ang kasabihan na “If there’s a will, there’s a way.”  Determinasyon at positibong pananaw ang susi ng isang tagumpay.

Maituturing na isang espesyal na regalo sa kaniyang sarili ngayong Kapaskuhan ang makapagtapos sa isang vocational course mula sa  Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na siyang magiging daan tungo sa katuparan ng kaniyang pangarap.

Mula pagkabata, itinanim na sa isip ni Johanna Angela Palmer na hindi niya hahayaan na maging hadlang ang kahirapan ng buhay para abutin ang kaniyang mga pangarap.  Batid niya sa sarili na maraming hamon ang kaniyang haharapin subali’t sa kaniyang murang edad ay iginayak na ang sarili.

Nang mabatid ni Palmer na hindi niya maipagpapatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo noong 2006 nang magtapos sa high school, hindi siya nasiraan ng loob…sa halip ay humanap ng paraan kung paano makasasampa sa college.

Isang kasambahay ang kaniyang ina at walang kakayahan na matustusan ang kaniyang pag-aaral dahil sa liit ng sweldo nito dagdag pa ang mga pang-araw na araw na gastusin.  Ang kaniyang ama ay isang Australian subali’t iniwan silang mag-ina noong siya’y sanggol pa lamang.

Dahil labis na pinahahalagahan ang edukasyon na pinakamabisang instrumento sa pagkakaroon ng tiyak na maliwanag na kinabukasan, hindi nawalan ng pag-asa si Palmer,  at hindi nagpatalo sa mga unang hamon ng buhay.

Sa halip na magmukmok dahil hindi makapag-aaral, nag-enrol siya sa isang vocational course na magbibigay sa kaniya ng mabilis na trabaho at magiging simula ng kaniyang pangarap.

“I became interested to enroll in a technical vocational course rather than a four-year-bachelor’s degree in a regular university because it is cheaper and practical and I found it fit in my case,” pagsasalaysay ni Palmer.

” We didn’t have money as my mother does not have a steady job. My father who is an Australian abandoned us when I was still a baby.  We barely make ends meet from my mom’s meager income. I thought the two-year course can serve as a good opportunity for me to work and then save up for a four-year college degree,” dagdag pa nito.

Tila nakikiayon ang pagkakataon kay Palmer, nasagot ang kaniyang panalangin na makapag-aral. Natuklasan nito ang scholarship program ng TESDA para sa libreng vocational course.

Nag-apply siya sa Private Education Student Financial Assistance (PESFA) ng TESDA, isang  scholarship na naggagarantiya ng ‘no-tuition benefit’ para sa mag-aaral na kwalipikadong mag-enroll.

Naipasa ni Palmer ang examination at nag-enroll sa  2-year Computer System Design and Programming at AMA-CLC sa Antipolo.

Matiyagang hinarap ng dalaga ang kaniyang pag-aaral.  Base sa kaniyang school records, siya’y consistent top-notcher mula elementarya hanggang highschool.

“I was focused and determined to excel in all of my subjects. I didn’t want to squander the opportunity that was given to me by TESDA. I said I’m going to this right and I will work very hard. Looking back, all of my hard work has paid off because after taking the course, I now have a lucrative job and can now support my mother,” masayang pagkukuwento ni Ms. Palmer.

Nagtapos na Summa Cum Laude at mabilis na kinuha ng Teletech bilang support staff.  Ang Teletech ay isa sa pinakamalaking international call center companies sa bansa.

Sa ngayon, tumatanggap ng P18,000 bilang suweldo si Palmer, benepisyo at iba pang bonus.

“Thanks to the scholarship and the once-in-a-lifetime  opportunity from TESDA, life is no longer very difficult for me and my mother. I am also able to save now for a college degree. Indeed, TESDA has opened opportunities for me. They made my dream come true,” paglalahad ni Palmer.

Muling iginiit ni TESDA Director General Joel Villanueva na nananatiling committed ang ahensiya sa misyon nito na patuloy na makapagbigay ng

vocational education sa mga mahihirap na kabataan bilang panimula na maabot ang kanilang mga munting pangarap.

“By enrolling and training in technical and vocational courses, they can get jobs. TESDA can open doors for them and present opportunities for jobs here and abroad. The scholarships  and free trainings  at TESDA can definitely pave the way to a higher paying career with better benefits and more opportunity for advancements,” ani  Villanueva.

“Like Johanna, think that a vocational  course could be a stepping stone to something bigger, the important thing is to never stop dreaming, never stop hoping, never stop believing.  Poverty is not an obstacle to a bright future. You can take charge of your life and believe that you can attain your goals, if you work hard and believe,”  dagdag pa ng director.

Nais aniya ni Johanna,  na maging isang inspirasyon ang kaniyang kuwento ng buhay sa ibang kabataan na nahaharap sa krisis.  Malaki ang maitutulong ng vocational courses, tiyaga, determinasyon at pananalig sa Diyos.

“I am a living example that dreams come true if you believe, work hard and keep a positive  attitude,” pagtatapos pa ni Johanna. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply