Sanggol nadaganan ng kuya, tepok

PATAY ang tatlong buwan na sanggol matapos madaganan ng kanyang nakatatandang kapatid habang natutulog sa Port Area, Maynila.

Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Hospital si Michelle Jane Merino, tatlong buwan, ng  Smart -1BH Gawad Kalinga, Baseco Port Area, Maynila subalit hindi na nailigtas ng mga doktor.

Ayon kay  PO3 Ramoncito Tolentino ng Manila Police District Homicide Section, dakong 5:30 ng madaling-araw nang madiskubreng patay ang sanggol.

Nabatid na natutulog ang pamilya sa loob ng kanilang kuwarto nang madaganan ng nakatatandang kapatid na si Emaric, 10, ang kanyang kapatid dahilan upang ma-suffocate at tuluyang hindi makahinga ang biktima.

Sa salaysay ng ina ng biktima na si Emma, dakong 10:30 ng gabi nang matulog sila at dahil maliit lamang ang kanilang bahay ay tabi-tabi silang natulog ng kanyang pamilya.

Nagtabi sa higaan ang biktima at Emaric at maaaring dahil sa himbing ng pagkakatulog ay nadaganan ni Emaric ang sanggol.

Tinangka namang i-revive ni Emma ang sanggol subalit bigla umanong may lumabas na dugo sa bibig ng sanggol hanggang tuluyang lagutan ng hininga. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply