Sangkatutak na sobre ipinamamahagi sa Bulacan

ANG mga buwayang  pulis sa Sta. Maria, Bulacan ay wala nang ginawa kundi ang mamahagi ng tig-iisang sobre sa halos lahat ng mga establishment sa nasabing bayan.

Ayaw na sana nating patulan ang mga ganitong ‘raket’ ng kapulisan dahil nga sa Kapaskuhan.

Pero habang may mga taong nagrereklamo sa mga maling ginagawa ng mga kapulisan  ay hindi natin  ito palalampasin.

Mantakin ninyo, puwersahan daw na binigyan ng mga kapulisan ng Sta. Maria Police sa pangunguna raw ni Supt. Marcos Rivero ang mga establishment sa Sta. Maria.

Heto basahin natin ang nilalaman ng text message sa atin.

Gud day, Mr. Juan de Sabog. Paki-publish ninyo naman ang mga buwayang pulis dito sa Sta. Maria, Bulacan. Hindi na sila nahihiya sa pangunguna ng hepe nila na si Col. Marcos Rivero. Aba, eh, lahat  ata halos ng establishment dito sa Sta. Maria, Bulacan, e, binigyan ng sobre na may nakalagay na Sta. Maria Police Station. At ang kanilang kinolekta at pinamaskuhan ay si SPO1 Vicente Herrera ang nangolekta.

Hindi po ba bawal ang bumati at magbigay ng anomang solicitation ang lahat ng mga government employees sa alinmang mga establishment?

Thanks and Merry X-Mas!!!

SUGALAN SA TANAY PADER SA MUNISIPYO

Sinasamantala ng mag-asawang Dode ang Kapaskuhan kaya nilatagan nila ng 15 lamesa ng mga sugal na color game at pula puti sa tabi pa mismo ng munisipyo ng  Tanay, Rizal.

Hindi ko lang alam kung malabo ang mata o nagbubulag-bulagan lang si Tanay Mayor Lito Tanjuatco dahil sa timbreng ibinibigay ng sugalang ‘yan sa munisipyo.

Maging ang hepe ng kapulisan nito na si Supt. Jai-me Abigan ay nakatunganga lang at naghihintay ng ganansya sa sugalan.

oOo

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply