SB mangunguna sa AIDS, drug test sa Kongreso

PANGUNGUNAHAN ni House Speaker Feliciano Belmonte ang pagpapa-AIDS test bilang suporta sa pagdiriwang ng AIDS Awareness Week.

“Willing akong magpa-AIDS test at willing din akong magpa-drug test anytime.”

Sumang-ayon din sa AIDS Test si Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez sa pagsasabing  handang-handa siya para dito.

Sina Belmonte, Benitez at Minority Leader Edcel Lagman ay nanguna kanina sa pagbubukas ng selebrasyon ng Kongreso sa AIDS Awareness Week.

Kasabay nito ay nagpahayag din ng pagkabahala ang speaker sa patuloy na paglobo ng bilang ng may HIV-AIDS sa bansa.

Tinutulan naman ni Belmonte ang panukalang bawasan ang pondong pambili ng kontraseptibo sa 2011 General Appropriations Act (GAA) mula sa orihinal na P800 milyon na gagawin na lamang na P8 milyon.

Umaasa si Belmonte na maninindigan ang kinatawan ng Kamara sa Bicameral conference committee na magsasapinal ng 2011 GAA. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply