SBP Tuon pansin sa 2011 Sea Games

MAAGANG sisimulan ng Smart-Gilas Pilipinas Team sa pagpasok ng 2011 ang kanilang paghahanda  tungo sa ambisyong makakuha ng puwesto sa qualifying slot sa 2012 London Olympics at sa Southeast Asian Games sa Indonesia sa Nobyembre.

Ayon kay Emmanuel “Noli” Eala, Executive Director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) magsasagawa sila ng try-outs para sa men’s team na isasabak sa SEA games sa Enero na pangangasiwaan ni head coach Norman Black.

Kaugnay nito, balak ng SBP na magtakda ng pakikipagpulong sa pangasiwaan ng Philippine Basketball Association (PBA) tungo sa pagtalakay ng kinakailangang hakbangin para palakasin ang national team kasunod ng pang-anim na puwestong pagtatapos sa nakaraang Asian Games sa Guangzhou, China.

Sina Norman Black, kasama ang coaching staff na bubuuin nina Jamike Jarim at Sandy Arespacochaga ay magdaraos ng mga try-outs sa Enero sapamamagitan ng paanyaya upang maihanda ang team sa paglulunsad nito sa Pebrero.

“Ilalaan natin ang isang taon sa paghahanda para sa SEA games team. Pawang mga kabataang manlalaro mula sa pinakamagagaling na players sa college teams ang aanyayahan. Kabilang sa bibigyan ng imbitasyon ay si Junmar Fajardo na nakitaan ng malaking potensyal,” ayon kay Eala. RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply