Sen. Trillanes sasabak na sa Senado sa susunod na taon

MATAPOS ang paglaya ni Senador Antonio Trillanes IV, nakahanda na siyang humarap sa sesyon ng Senado sa susunod na taon.

Ayon sa panayam ni Trillanes sa dzMM,  alam niyang maninibago pa siya sa pagharap sa Senado sa susunod na buwan kung kaya kakabisaduhin muna niya ang mga proseso at makikipagpulong sa mga beterano ng Senado.

Ayon sa kanya, hindi niya gagawing magmayabang na alam na niya ang lahat kung saan magbibigay muna siya ng suporta sa mga panukalang batas na aayunan niya hanggang masanay na siya sa kalakaran ng Senado.

Tiniyak din nito na susuportahan niya ang mga isusulong na Legislative agenda ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III basta makatutulong ito sa nakararaming Pilipino.

Samantala,  masaya namang ibinalita ni Trillanes na naging mahimbing ang kanyang tulog sa unang gabi ng kanyang paglaya.

Nakatakda siyang bumisita sa mga taong naniniwala sa kanya at sumuporta upang personal na mapasalamatan na rin ang mga ito.

Bandang 9:00 p.m.  nang makamit ni Trillanes ang paglaya sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center  kung saan dumiretso ang mga ito sa kanilang bahay sa Cainta, Rizal, sa bisa ng Provisional Liberty Order ni Makati Regional Trial Court (RTC) Judge Oscar Pimentel.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply