Service charge sa mga remittance companies pinabababaan sa Kamara

Umapela kahapon ang isang mambabatas sa mga remittance companies at pribadong bangko na bawasan ang ipinapataw nilang service fees sa padala ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Pilipinas.

Sa isang resolusyon, sinabi ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na isang magandang pamasko para sa mga OFWs ang pagbibigay ng diskuwento o pagbawas sa kanilang ipinapataw na service fees.

Mahigit sa 1.5 milyong OFWs ang nagpapadala ng kanilang pinaghirapang pera at regalo sa mga mahal sa buhay lalo na ngayong nalalapit na Pasko.

Nagagawa nila aniyang tiisin na malayo sa pamilya mabigyan lamang ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay.

Tinatayang umabot sa US$17.348 billion ang remittances ng mga OFWs.

Subalit, ilang mapagsamantalang remittance agency operators ang napaulat na sinasamantala ang pagdagsa ng remittances ng mga OFWs sa kanilang mga pamilya sa pamamagitan nang pagpataw ng malaking service fees.

Sinabi ni Evardone na tungkuling ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na i-regulate at i-monitor ang operasyon ng mga remittance companies at private banks.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply