Shalala hindi na ma-reach!

HINDI  na maabot ang kasikatan tinatamasa ngayon ni Shalala na nabigyan ng unang break nang isama ni German Moreno sa Walang Tulugan na siyang nagbo-voice over ng mga showbiz tsismis.

Hanggang sa radio program ni Kuya Germs ay isinama na rin si Shalala at dahil talaga naman matalino at maabilidad kaya ayun nabigyan ng break sa Juicy sa TV5 at sa Wednesday ay isasadula ang buhay ni Shalala sa Star Confession pagkatapos ng Willing Willie.

Madrama talaga ang buhay ni Shalala kaya naman hindi nagdalawang isip si Roderick Paulate na tanggapin ang role bilang Shalala sa Star Confession.

Matagal na palang tagahanga ni Roderick si Shalala. Pinapanood siya nito sa Juicy at aliw na aliw si Dick sa pakuwela nito.

Matatandaan, sinabi ni Dick noon na ayaw na niyang tumanggap ng role na isang bading pero hindi niya natanggihan gampanan ang role ni Shalala dahil tagahanga siya nito at dahil tunay naman na makulay ang mga pinagdaanan hirap sa buhay ni Shalala bago nito nakamit ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon.

Maganda pa kay Shalala ay marunong mag-share ng blessing. Tulad ni Cristy Fermin na handang tumulong sa kapwa at hindi nakakalimot sa mga taong nakasama niya noon at hanggang ngayon.

****

Makatulong kaya sa showbiz career ni Cristine Reyes ang ginagawa nitong pag-aaway kay Sarah Geronimo?

Matatandaan hindi lang ito ang una nangyaring may tinarayan si Cristine sa Twitter sa kapwa artista.

Hindi mo naman masisisi ang utol ni Ara Mina na magalit kung sa palagay niya ay inaapi siya at ginagawan ng hindi magandang balita.

Pero ang ending pa rin nito ay nega ang dating niya dahil palaaway at ang pinag-aawayan ay dahil lang sa isang lalake.

Dapat siguro ay makialam ang network na pinaglalabasan nina Cristine at Sarah para maayos at hindi na pagpistahan pa.

Sayang ang ganda ng katawan ni Cristine kung magko-concentrate na lang ito sa pakikipagtarayan sa kapwa artista.

Si Cristine pa naman ngayon ang pinapantasya ng mga kakalakihan.

Dapat gumawa na lang ito ng pelikula na lalong magpapatingkad ng kanyang alindog at talino sa pag-arte.

Si Sarah ay may napanatunayan sa showbiz. Kahit anong paninira or negative write up ang danasin nito ay hindi pa rin ito basta malalaos.

Ano kaya pagsamahin sa isang project sina Sarah at Cristine, then isama rin sa cast si Rayver Cruz.

Bongga di ba?

****

Sa grand presscon ng Rosario ay todo naka-year 20`s ang buong cast sa pangunguna nina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo at Isabel Oli.

Bago nagsimula ang presscon ay nagkaroon muna ng pa-raffle for the press at lahat ay umuwing masaya.

Tapos ay tinanong sina Dennis at Jen kung itutuloy nila ang pagbabakasyon pagkatapos ng parade of the star ng Metro Manila Film Festival?

Sagot ng dalawa: “Hindi pa po namin alam. Basta kapag nagkaroon kami ng oras ay baka dito na lang kami magselebrate ng Kapaskuhan kasama ng mga mahal namin sa buhay,”

Sabi naman ng kanilang director na si Albert Martinez, best choice raw si Jennylyn para sa “Rosario” at pang-period movie raw talaga ang mukha ni Jen.

“Demanding ang role ni Jennylyn at nabigyan naman ng justice ang character na ginampanan. Nailarawan din niya ang iba`t-ibang emosyon ng buong husay.,” say pa ni direk Albert Martinez.

Maganda ang feedback ng Rosario at marami ang naniniwala na baka si Jen daw ang manalong Best Actress sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival dahil sa ipinamalas nitong galing at husay sa pag-arte sa nasabing movie.

Naku! Paano na ang inaasam ni Ai Ai delas Alas na manalo rin Best Actress sa MMFFP sa pagkakaganap nito sa Tanging Ina, Last Na `To entry ng Star Cinema.

Sabi kasi ni Ai Ai kapag natalo siya ay mababakasyon muna siya sa Tate para magpalipas ng sama ng loob.

Knowing Ai Ai, talagang totohanin niya ang balak kapag natalo sa naturang categorya. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply