Shawie masaya dahil tuloy na ang movie nila ni Aga

MASAYANG-masaya naman si Sharon Cuneta nang mabalitaan ng kanyang kampo na matutuloy na ang kanilang movie ni Aga Muhlach kahit pa unang umoo at nakatango ito sa comeback movie nila ni Lea Salonga at Regine Velasquez.

Isang magandang regalo naman itong pagbabati nila ni Aga kaya ganun na lang ang excitement ni Sharon sa kanilang comeback movie din nila ni Morning.

Dali naman mamatay ang tampuhan isyu dito kay Aga at Sharon dahil sa pagtatampo ni Megastar kay Morning sa hindi nito pag-priority na unahin ang kanilang pelikula kaysa movie nina Lea at Regine.

Feeling nga ni Shawie ay naitsapuwera siya sa mga actress na makakatrabaho ni Aga at para nga hindi na lumala at hindi na tumagal ang isyu ay nag-apologize na nga si Sharon kay Aga.

Ayon mismo sa misis ni Aga na si Charlene Gonzales ang nagsabi na na nakapag-usap na sila the day ng concert ni Ai Ai Delas Alas.

At hindi naman alam ni Charlene kung anong mga napag-usapan nina Shawie at mister nito na si Aga.

Ang alam niya ay nagka-ayos na sila Shawie at Aga mula sa tawag sa cellphone at marami naman ang natuwa na mga fanatics na Sharon at Aga sa pagbabati muli ng dalawa kahit may tsika pa na may tampo pa din at galit pa din ang manager ni Aga na si Manay Ethel kay Sharon sa mga binitawang salita nito sa alaga.

Well, ito na kaya ang sign na mas uunahin na ni Aga na gawin ang comeback movie nila ni Sharon kaysa kina Lea at Regine?

Abangan!
***

TIKOM at hindi pa rin mapiga itong si Vic Sotto sa mga isyu tungkol sa kasal ng kanyang anak na si Oyo Boy kay Kristine Hermosa . Sa ngayon, may entry siyang movie with Bong Revilla na Si Agimat at si Enteng Kabisote na entry sa Metro Manila Film Festival.

Maraming kritiko ang nagsasabi na tatabo sa takilya ang movie na ito nina Bong at Vic.

For the first time nga raw in local showbiz na nagsama itong si Bong at Vic kaya inaashan naman na kikita ito sa takilya sa darating na MMFF 2010 ngayong kasagsagan ng Christmas season.

Sa pagtatanong naman kay Bossing Vic ay nanatiling tikom at ayaw nitong magsalita hinggil sa nalalapit na kasalan ng kanyang anak na si Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa.

Hindi naniniwala ang aming tsismosang kapitbahay na walang alam sa plano si Vic sa kasalan at imposible daw ‘yun na wala siyang kaalam-alam.

Kahit nga paikut-ikutin ang tanong kay Vic patungkol sa kaslang Oyo at Kristine ay wala ni isa mang salita na binabanggit ang mahusay na komedyante. Jovi Lloza

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply