Shining Armour sinilaw si Righthererightnow sa photo finish

NAGKATALO sa isang photo finish ang labanan nina Shining Armour at Righthererightnow kung saan ay nagwagi ang una sa naganap na 2010 Philracom “Grand Derby” race na ginanap noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Makapigil hiningang kayugan sa pagitan nina star Jockey Patty Ramos Dilema na gumabay kay Shining Armour at class B rider Mark Angelo Alvarez na rumenda kay 2010 Presidential Gold Cup runner Righthererightnow papasok ng huling kurba.

”Isang tulak na lang at lampas na kami,” saad ni Alvarez. Ganumpaman congratulations sa connections ni Shining Armour at kay Patty for his well riding.

Nakolekta ni Mario Cunanan, may ari ng winning horse, ang halagang P600,000 na premyong handog ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Nakapagtala ng tiyempong 2:09.8 sa 2,000 meter race si Shining Armour.

Naiuwi naman ni Righthererightnow ang P225,000 para sa second placer habang P125,000 at P50,000 ang naibulsa nina Darleb at disappointed top choice Gastambide para sa third at fourth placer ayon sa pagkakasunod.

“Nadaan sa tiyaga mabuti na lang at medyo nakalayo kami kay Righthererightnow kaya pagkapit nila ay meron pa talaga si Shining Armour.” Paliwanag ni many time Philippine Sportswriters Association (PSA) jockey-of-the-year awardee Dilema. E.Dawa/R.Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply