Shoot-to-kill order vs Ping Lacson pinalagan

PINALAGAN ng Department of Justice (DOJ) ang panukalang pag-iisyu ng shoot to kill order laban sa nagtatagong si Senador Panfilo Lacson.

Sinabi ni Justice Undersecretary Francisco Baraan, labag sa batas at illegal ang pag-iisyu ng shoot to kill order kay Lacson dahil hindi pa naman convicted criminal ang senador.

Ang pahayag ni Baraan ay bunsod sa pahayag ng police asset at matagal nang kaalitan ni Lacson na si Rose Buds na dapat mag-isyu na ang Philippine National Police (PNP) ng shoot to kill order upang kaagad madakip si Lacson.

Matatandaan na hanggang sa kasalukuyan ay nagtatago si Lacson dahil sa  standing warrant of arrest na inilabas laban sa kanya sa kasong double-murder.

Paliwanag naman  ni Baraan na ginagawa lamang ang shoot to kill order sa mga kriminal na convicted at nakatakas sa kulungan pero sa kaso ni Lacson ay mayroon pa rin siyang karapatan bilang akusado. Teresa Tavares

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply