Shortlist ng kapalit ni Melo ipinasa

MAYROON nang hawak na shortlist ng mga pangalan si Pangulong Benigno Aquino III ng  pagpipilian nitong susunod na pinuno ng Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni presidential spokesman Edwin Lacierda  na may dalawa aniya siyang pangalan na alam na kasama sa shortlist ngunit walang ideya kung ilan ang kandidato sa posisyon.

“‘Yung mga pangalan, nasa Office of the President na pero wala pang desisyon as of now kung sino ang pipiliin. Ipagpaumanhin n’yo kung hindi man namin masasabi kung sino ang mga kandidato doon sa Comelec chairman,” anito.

Tiniyak pa ni Lacierda na sa pagpasok ng Enero 2011 ay inaasahang mapag-uusapan na ito sa Palasyo. Hindi umano binabale-wala ng Malakanyang ang pangamba ng mga commissioners ng Commission on Election (Comelec) kaugnay sa nalalapit na pagretiro ni Chairman Jose Melo, na epektibo sa Enero 31, 2011. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply