Sidewalk vendors mamamayagpag

IPINAUBAYA na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa sidewalk vendors ang bangketa hanggang matapos ang panahong ng Kapaskuhan.

Nilinaw ni MMDA Chairman Francis Tolentino na hindi kasama rito ang mga pasaway na vendors na nagiging sagabal sa daloy ng trapiko.

“In the spirit of the Holiday season papayagan muna natin sila magtinda ng kanilang mga produkto as long as hindi sila makakasagabal sa daloy ng trapiko,” ani Tolentino.

Idinugtong pa niya na hindi kasama sa pagbibigay nila ng pahintulot ang mga bangketa na nauna na nilang nilinis sa mga illegal vendors.

Bukod dito, tiniyak ni Tolentino na hanggang katapusan lamang ng Disyembre nila papayagang magtinda sa bangketa ang vendors.

Nauna nang nabatikos ang MMDA bunga ng pamumutiktik ng mga vendors sa area ng Baclaran na sakop ng Pasay at Paranaque, pati na ang Quiapo at C.M. Recto sa Divisoria sa Maynila.

Inihayag naman ni Tolentino na nuunawaan nila ang kalagayan sa buhay ng sidewalk vendors kaya nakikipag-ugnayan sila sa mga alkalde ng Metro Manila upang masolusyunan ang problema. Johnny F. Arasga

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply