Simbang gabi, toll hike sa haywey at kawawang si Lauro Vizconde

SINO-SINO ba talaga ang may kagagawan sa Vizconde massacre?

Saan patutungo ang katarungan sa pamilya ni Lauro Vizconde na minasaker sa pamamagitan ng pagtadtad ng saksak sa kanila?

Natagpuang naliligo sa sarili nilang dugo sina Estrellita at mga anak niyang sina Carmela at Jennifer sa kanilang tahanan sa BF Homes, Parañaque noong Hunyo 30, 1991.

Ang masakit pa, ni-reyp din si Carmela na noon ay isang 18 anyos.

Ngayon nga ay pinalaya na ang mga akusado sa kaso na sina Hubert Webb, Antonio Lejano, Michael Gatchalian, Miguel Rodriguez, Hospicio Fernandez, Peter Estrada at Gerardo Biong.

Hindi nakasama sa kaso sina Artemio Ventura at Joey Filart dahil hindi sila nagpahuli.

Nakalulungkot talaga, Suki, ang hinantungan ng kasong ito. Saan na ba talaga ang katarungan, huh?

Ito ba’y binababoy o hindi?

Kung hindi sina Hubert ang may kagagawan sa massacre, paano ngayon kikilos ang mga kinauukulan para kilalanin at hanapin ang mga tunay na salarin?

O nasa tabi-tabi lang ang mga tunay na salarin at sinadyang guluhin ng mga demonyo sa pamahalaan ang buong pangyayari  upang magkasala ang mga inosente at maakwit ang mga kriminal?

Wala tayong kinakampihan sa desisyon ng Hukuman pero sa totoo lang, hindi natin nagawang kumain ng tanghalian dahil sa kinalabasan ng kaso.

Milagroso na, puno pa ng misteryo na nakagulo sa kinakalawang na nating utak.

oOo

Ngayon naman ay narito na ang Simbang Gabi.

Bukod sa panalanging iaalay sana natin para sa ikalilinaw ng kasong Vizconde massacre at katarungan para rito, ipanalangin din sana natin, Suki, ang ukol sa toll hike sa mga haywey simula sa 2011.

Ang gusto ng mga buwisit na negosyante at gobyerno na rin ay magsimula na mismo ang toll hike sa Enero 1, 2011.

Ito’y para makarami sila ng tubo at buwis.

Siguro, hilingin natin kay Bathala na makonsiyensiya naman ang mga negosyante at onorabol sa paggawa nila
ng toll hike.

Aba, buong Luzon ang maaapektuhan o mahihirapan sa toll hike.

Una, maghihirap ang mga motorista, lalo na ang mga negosyante at pampasaherong sasakyan sa toll hike lalo’t kasabay nito ang palagiang oil price hike din.

Ikalawa, tiyak na tataas din ang pamasahe at presyo ng mga bilihin dahil ipapatong ng mga negosyante sa mga mananakay at kalakal ang kanilang toll hike.

Talagang maghihirap ang mga motorista dahil hindi pitsa-pitsa ang toll hike.

Diyan sa South Luzon Expressway, aabot umano ng 300 porsiyento ito. Sa ibang mga haywey, mahigit yatang 10 porsiyento pero nang mag-taas ang mga ito, daan-daang porsiyento rin ang halaga.

Dahil sa mahal na mga toll, tiyak na magmamaktol ang mga drayber at operator ng mga pampublikong sasakyan para sa pagtataas ng pasahe para naman sila makabawi.

Ang mga negosyante, ay tiyak na iiwas din sa pagkalugi kaya ipapatong nila ang toll hike sa presyo ng kanilang mga kalakal at dito magmahal ang presyo ng mga bilihin.

Paano lahat ng ito, PNoy? Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply