Sindikatong nagbebenta ng armas sa mga rebelde, bistado

BISTADO ng mga awtoridad ang modus operandi ng isang sindikato na nagpupuslit umano ng mga baril makaraang maaresto ang dalawang drayber ng isang bus na ginagamit na courier ng ilegal na armas.
Ayon kay Army 9th Infantry Division Spokesperson Maj. Harold Cabunoc, nakilala ang mga suspek na sina George Itones at Victor Gonzales, kapwa drayber ng Ro-Ro bus (plate number: TXV-911), biyaheng Cebu-Sorsogon.

Ayon kay Cabunoc, nagsagawa ng checkpoint ang mga pulis at sundalo sa Pilar, Sorsogon kagabi nang makuha sa mga suspek ang tatlong kalibre .45 baril at 14 na kalibre .38 revolver na galing Cebu.

Napag-alamang matagal nang minamanmanan ng grupo ni Cabunoc ang modus na ito na kadalasang nagbebenta ng armas sa mga rebelde at iba pang criminal groups sa Bicol at Masbate gamit ang mga drayber bilang courier.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply