Singil sa towing tataas hanggang P3,000

MULA sa dating P200 singil sa towing, tataas ng hanggang P3,000 ang multang ipapataw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga sasakyang titirik sa lansangan na nagiging sanhi ng masikip na daloy ng trapiko.

Ito ang nakasaad sa ipinasang en banc resolution ng Metro Manila Commission (MMC) na nag-a-amiyenda sa  MMDA Regulation No. 96-003 na nagtatakda ng alituntunin kaugnay sa paghatak ng mga tumirik o ilegal na nakaparadang sasakyan sa lahat ng pangunahing lansangan sa Kamaynilaan.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, layunin ng naturang resolusyon na mahikayat ang mga pribadong motorista at operators ng mga pampublikong sasakyan na mamintina ng maayos ang kanilang behikulo bago ibiyahe upang maiwasan ang pagtirik sa lansangan.

Sinabi ni Tolentino na batay sa kanilang obserbasyon, ang mga ilegal na
pagparada at ang pagtirik ng mga nasisiraang sasakyan ang isa sa dahilan ng pagkakawindang-windang ng daloy ng trapiko sa lansangan.

Kailangan aniya na mapatawan ng malaking multa ang mga tumitirik at ilegal na pagparada ng sasakyan sa lansangan upang matuto ang mga may-ari nito na lumagay sa ayos at pagparada at paghusayan ang pagmimintina ng kanilang makina.

Batay sa unang nakasaad sa MMDA Regulation No. 96-003, papatawan ng P200 ang mga hihilahing tumirik na sasakyan habang P150 naman sa mga mahuhuling ilegal ang pagkakaparada.

Sa ginawang pag-amiyenda sa naturang regulasyon, papatawan ng P1,500 ang mga titirik na maliliit na sasakyan, P2,500 sa mga medium vehicles at P3,000 sa mga heavy vehicles.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply