Sister teams sa best-of-seven semis opener

KASUNOD ng pagsungkit sa semi-finals opener, sisikaping patatagin ng Talk ‘n Text ang pangunguna sa semi final 4 sa muling pagsagupa sa B-Meg Derby Ace na pinatumba nila sa iskor na 98-91 habang maghaharap ang sister teams na San Miguel Beer at Ginebra Gin Kings sa pagsisimula ng sariling best-of-seven encounter sa Big Dome sa Enero 5.

Nauwi sa unsiyami ang conference high na 36 puntos ni Llamados James Yap nang malaglag ang koponan ni coach George Gallent dahil sa malaking kakulangan sa Llamados sa hindi paglalaro nina Roger Yap at Rafi Reavies na kapwa may iniindang sakit. Hindi rin kinakitaan ng husay si Peter Jun Simon sa kabila ng 14 puntos na ibinuslo malayo sa mahigit 20 puntos na dati niyang average.

Ang Beermen ay gahiblang angat sa Gin Kings kung pagbabatayan ang 79-78 panalo noong Nobyembre 21 at ang naunang 69-68 na pagpapaluha sa team ni coach Jong Uichico noong Oktubre 17.

Makapagpapahinga sa laro ng hanggang Enero 5 ang mga PBA teams na papabor sa Gin Kings habang nagpapagaling sina Eric Menk at Jayjay Helterbrand sa taglay na pilay. Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply