Sitti, Rannie Raymundo, join sa pag-oopera ng bingot at ngongo

BUKOD SA pagbo-bossa nova at pagpapaseksi sa pagkanta, join din si Sitti, kilala rin sa tawag na Sitti Navarro sa pag-oopera ng mga kabataang may bingot at ngongo.

Nakipanumpa na si Sitti sa Operation Smile Philippines ni Bobby Manzano kamakailan para sumama sa operasyon ng mga may hiwa sa labi o harelip na tulad nang sa namayapang premyadong mandudulang pampelikula at production designer na si Charlie Arceo, Jr. at ngayon ay ang peryodistang pampelikula na si Bunch Cortez.

Ang pagdiriwang kamakailan ni Sitti ng kanyang birthday concert sa Technowave sa II Terrazzo Mall ay pinuno niya ng mga nakakapagpaalsa ng damdaming mga kanta alay sa mga ngongo.

Nakipagharutan din si Sitti sa isa sa kanyang mga ka-duet na si Aisaku Yokogawa, isang purong Japanese na napakatatas magsalita ng Tagalog at kumanta ng Filipino.

Kaarawan din kasi ni Aisaku kaya pinagsanib ang selebrasyon para rin sa pagtulong nila kapwa sa mga bingot sa bansa.

***

Anak si Yokogawa ng isang pastor na Hapones na nadestino sa Pilipinas nang matagal na panahon kaya babad nababad na siya sa kulturang Pinoy at sa kalaunan ay naging bahagi na ng kanyang sistema.

Ayon kay Aisaku, tumutulong siya sa operasyon ng mga ngongo para hindi maging komplikado ang kapansanang ito at nang maoperahan nang maayos.

“Masyado pong delikado ang sitwasyon ng isang may harelip. Pag nagkamali po ang doktor sa paghiwa, maaaring ikamatay ng pasyente kaya ingat na ingat po kami lalo na at mga bata ang involved,” pahayag ni Yokogawa.

***

Nag-volunteer din si Rannie Raymundo na maging kaisa nina Manzano sa gawaing ito sa kabila ng kanyang mga opisyo sa concert at sa pulitika.

Nanalong kagawad sa Barangay Greenhills si Rannie kamakailan kaya karagdagan ito sa kanyang mga gawaing pang-araw-araw.

Idagdag pa ang pag-aasikaso sa kanyang asawang malapit nang magsilang ng kanilang beybi kaya piling-pili lang ang mga aktibidades ni Raymundo ngayon bagamat hindi niya maisnab ang pagsuporta sa mga bingot.

Walang kupas si Rannie sa kanyang taktika sa pagkanta at ang kanyang boses.

Bagay na bagay sila ni Sitti sa kaseksihan.

***

Ang hindi makakalimutang sandali sa “Jazz Smile” show nina Rannie ay ang duweto nina Aisaku at Sitti ng “salinawit” ng premyadong manunulat at peryodista na si Jose F. Lacaba, kilala rin sa tawag na Pete Lacaba, ang Filipino version ng “Autumn Leaves” na makabagbag-damdamin at nakakapagpaalsa ng diwang musika nito.

Nangako si Rannie na sa susunod na “salinawit” ni Pete ay sasali na siya.

Noong mga nakaraang “salinawit,” kasama sina Ricky Davao, Sitti, Bayang Barrios, Scarlett at marami pang iba.

“Excited na akong makapag-interpret ng translation mo, Pete,” pahayag ni Raymundo.

May kabuuang 119 na ang isinaling awitin ni Lacaba mula sa Ingles o bayangang wika tungo sa Filipino.

Sa ika-18 ng Enero, 2011 ay sa Conspiracy Bar sa Visayas Avenue gaganapin ang unang pasakalye ng “salinawit” ni Pete at itatampok si Cookie Chua.

Makiki-jamming din si Armida Zuñiga, ang singer ng Nonoy Lopez and His Orchestra na hanep ang boses.

***

Nakatakdang mag-concert si Armida sa Villa Castillo, San Pedro, Laguna bago mag-Pasko at ito ang isa sa mga proyekto namin sa subdibisyon para mapasaya ang mga residente rito.

Ang inyong lingkod ang Public Relations Officer ng Villa Castillo Homeowners Associaton, Inc. na pinanumpa ni San Pedro Mayor Calixto Cataquiz kamakailan.

Narito ang kumpletong listahan ng mga opisyal ng lugar:

Ray Gatuz—President; Sandy Pancho—Vice President; Aris Aguirre—Secretary; Letty Salvador—Treasurer; Leo Oliva—Auditor; Lerma Gajo, Assistant Auditor; Boy Villasanta—Public   Relations Officer; Toto Caravana and Miko Jimenez—mga Sgt.-at-Arms; Edna Revilla, Lolit Mendrez, Carmen Queral, Lily Arriero, Tere Lacap, Zenaida Chu, Benny Castillo, Gary Quillano, Perlie Gines, Ruben Timano at Myrna Bolanos. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply