Snow show sa Baguio, palpak; bula ng sabon ang lumabas

LAKING panlulumo ng libo-libong tao sa Baguio City nang hindi snow kundi bula ng sabon ang lumabas sa dapat sana’y snow show nitong Sabado ng gabi sa tinaguriang summer capital ng Pilipinas.

Sa ulat ng Philippine Daily Inquirer, may 30,000 hanggang 50,000 katao ang dumagsa sa Session Road upang matunghayan ang pagpapaulan ng snow doon. Ngunit nainis ang mga tao dahil pekeng snow ang lumabas mula sa snow machines.

Ayon sa mga operator ng snow machines, nagkaproblema ang mga makina kaya soapsuds at di snow flakes ang lumabas sa mga ito. Nagbiro tuloy ang mga nakasaksi sa palabas. “May naglalaba sa itaas,” anang isang spectator.

Ayon sa news report, ang snow show project ay mula sa ideya ni dating mayor Reinaldo Bautista Jr. noong 2008. Ngunit di agad ito itinuloy dahil sa mga kumuwestyon ng magiging epekto ng proyekto sa kalikasan.

Ayon pa rin sa ulat ng Inquirer, si Baguio City councilor Elmer Datuin, chairman ng local tourism committee, ang nagtuloy ng proyekto na ginastusan ng P420,000.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply