South Superhighway Medical Center, nasunog

TINUPOK ng apoy ang South Superhighway Medical Center makaraang magkaroon ng sunog sa mga kalapit bahay sa Parañaque City.

Batay sa inisyal na report ni  Parañaque Fire Department Deputy Fire Marshall C/Insp. Leonardo Tuto, nagsimula ang sunog sa ilang bahay sa Marcelo Green Subdivision sa bahagi ng West Service Road sa Bgy. Marcelo at nadamay lamang ang katabing ospital.

Nailabas naman ang 10 pasyente na nasa loob ng ospital gayundin ang mga oxygen tank bago pa lumaki ang sunog.

Kabilang sa naapektuhan ng naturang sunog ang morgue pati na ang ilang gamit ng ospital tulad ng x-ray, scanning machines at mga dialysis machine.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply