Southern Luzon posibleng magka-landslide

WALA nang bagyong mararanasan ang Pilipinas hanggang sa pagtatapos ng kasalukuyang taon ngunit posibleng magkaroon ng mga landslide ang southern Luzon bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

Ayon kay Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) forecaster Elvie Enriquez, ang nasabing pag-ulan ay bunsod ng tail-end ng cold front  sa nasabing lugar.

“There is no more cyclone threatening to end this year. But the continuous rains in the eastern part of southern Luzon may soften the ground and cause landslides. So we advise the residents there to be careful,” ayon kay Enriquez  sa isang panayam sa dzBB.

Nabatid pa kay Enriquez na mananatiling aktibo ang northeast monsoon na magreresulta ng maulap na papawirin at pag-ulan sa northern at Central Luzon.

Maaapektuhan ng tail-end ng cold front ang  southern Luzon, Visayas at Mindanao.

“Southern Luzon, Visayas and Mindanao can expect a rainy Christmas. But we see no weather disturbance near the country at this time,” dagdag pa nito.

Samantala, ayon sa PAGASA sa kanilang 5 a.m. bulletin, makararanas ang northern at Central Luzon region ng maulap na papawirin at panaka-nakang pag-ulan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply