Special child sugatan sa sunog

ISANG special child sa Marikina City ang nasugatan makaraang masunog ang kanilang bahay, Miyerkules ng umaga.
Nasugatan ang  biktimang pinangalanan lamang na Vincent, 17, makaraang masunog ang kanilang bahay sa Daang Baal, Concepcion I Village, Marikina.
Ayon sa ulat ng dzBB, nagsimula ang sunog bandang 10:50 ng umaga kung saan naiwang nag-iisa ang naturang special child.
Nagtamo ng sunog sa ilang parte ng katawan si Vincent kung kaya tinakbo ito sa Amang Rodriguez Medical Center.
Nabatid na dalawang bahay ang napinsala ng naturang sunog kung saan sa bahay ng biktima at sa kapitbahay nito hinihinalang nagmula ang sunog.
Napag-alamang bandang hapon na naapula ng mga rumespondeng bumbero ang apoy.
loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply