St. Clare nananalasa sa 2010 NCBL tournament

PATULOY ang pananalasa ng St. Clare College-Caloocan  sa ginaganap na elimination rounds ng 2010 Nokia B-League tournament sa Star Billiards Center sa Quezon City nitong mga nakaraang araw  matapos sumargo ng pitong panalo at dalawang talo  para mapanatili ang pangunguna sa palaro.

Pinangunahan nina Ritchy Goco at Eliezer Castillo sa gabay ni coach Bernie Diswe, tinalo ng  St. Clare  ang Our Lady of Fatima University, 3-0; Adamson University, 2-1; at  San Sebastian College, 2-1, sa ikatlong Linggo ng 19-team event  na inisponsoran ng Philippine Charity Sweepstakes Office, Accel, Hermes Sports Bar, Bugys Sports, Negros Billiards Stable at Philippine Star.

Naipanalo ni Goco  ang lahat ng kanyang tatlong matches sa 9-ball kung saan inilampaso niya sina John Dennis de Leon ng Fatima (7-1), Arvee Cabrera ng Adamson (7-3)  at Benjamin Canega ng San Sebastian College (7-3).

Ipinatikim ni Castillo ang kanyang talento sa 10-ball at tinalo sina Kristopher Roxas ng  Fatima (7-4) Kingford Llovit  ng  Adamson (7-4)  at  Michael Elduay ng San Sebastian (7-2).

Tatlong talo ang natikman ng St.Clare sa 8-ball doubles.
Nagsalo naman sa 2nd hanggang  4th  place ang Far Eastern University, Jose Rizal University at Philippine Maritime Institute na may 14-4 win-loss record.

Nagpakita ng pinakamagandang laro ang Lyceum of  the Philippines University matapos ipanalo ang walo sa kanilang siyam na matches upang makihati sa seventh hanggang eighth places sa Letran.

Bumawi rin ang  La Salle  mula sa 0-9 start matapos magtala ng 6-3 record ng kumana ng 3-0 win kontra sa  UMak at 2-1 decision kontra Don Bosco. Nabigo ang Archers na makumpleto ang pananalasa ng talunin siya ng JRU.

Sa nag-iisang juniors match, pinabagsak ng La Salle-Greenhills ang Ateneo, 2-1, upang samahan ang opening-day winner na Xavier School sa early lead.

Tinibag ni Hadley Mariano si Ren Pinlac, 7-1 sa 9-ball, samantalang si Karlo Marcilla at Pao Darroca ay dinurog sina Ricky Chavez at Martitn Leachon, 5-0, sa  8-ball doubles upang pangunahan ang LSGH sa victory.

Ang tournament na ginaganap tuwing week-end ay inorganisa ng  National  Collegiate Billiards League (NCBL) sa pangunguna nina Rellie de Leon,  Perry Mariano at Verna Mariano sa suporta ng  H2O Hotel, Manila Ocean Park, Malungay Life Oil,  Niknok Pritson Manok, Human Plus Probiotics, Star Billiards Center, Brunswick, Philippine Star, at Mediacom.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply