St. Pierre dinemolis si Koscheck

DINEMOLIS ni world welterweight champion Georges “Rush” St. Pierre si challenger Josh Koscheck sa pamamagitan ng pagsikwat ng dominanteng unanimous decision sa UFC 124.

Gumamit ng mga epektibong jabs si St. Pierre dahilan upang hindi makaporma ang katunggali.

Sa round three at four ay umatake na nang todo ang kampeon kung saan sa final round ay umiskor pa si St. Pierre ng takedown.

Dito na nagpaulan ng matitinding left hooks at jabs si St. Pierre sa katawan ni Koscheck na nagpahina rito.

Samantala, si dating welterweight contender Thiago “Pitbull” Alves ay gumamit ng malulupit na leg kicks at walang katapusang pressure kaya nakuha ang unanimous decision laban kay John “Doomsday” Howard. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply