Star Factor finalist Eula Cabaltero, sexy star in the making

INAMIN ni Eula Caballero ng Cebu, isa sa Star Factor 4 finalists nang makausap naming lately na bago raw siya sumali sa  freshest star search on Philippine TV, nag-break daw sila ng kanyang boyfriend at wala na silang communications sa ngayon.

Sa kasalukuyan bawal kay Eula ang mag-boyfriend. Mas  priority niya sa ngayon ang kanyang showbiz career.
Ngayon pa na natupad ang pangarap niyang pag-aartista.

Bukod sa gandang taglay ay marunong ding siyang sumayaw at kumanta. Isang challenge sa kanya ang pagsasayaw dahil natuto siya nito nang pumasok sa naturang search.

Ini-idolize niya si Snow White. Yes, ang sikat na Disney character. Crush niya si Richard Gutierrez.

Suportado siya ng kanyang parents, ang pagpapatunay dito isinantabi ng kanyang ina ang political career alang-alang sa anak. Kasama ni Eula ang kanyang ina, dito sa Maynila.

Nanghihinayang si Eula dahil hindi niya natapos ang kanyang senior year sa high school sa University of San Carlos pero gusto niyang tapusin ito. Si Eula ay edad 15, 5’3” at may vital stats na 34-27-36. O, di ba pang sexy star ang dating.

A sexy star in the making?

Ani Eula, hindi niya iniisip ito pero she is not closing her doors.

Samantala, mapapanood sa Linggo, Disyembre 5 sa Ynares Sports Arena, Pasig City, free admission, ang pinakahihintay na grand finals ng Star Factor ng TV5. Isa lang sa apat na grand finalists ang mapipiling, pinakamaningning na bituin sa ultimate battle of talent, personality, charm, good looks at overall star potential para maging karapat-dapat na tawaging kauna-unahang Star Factor Brightest Star.

STAR FACTOR GRAND FINALS SA LINGGO NA

Mapapanood ito ng live sa TV5 sa Linggo, sa pinagsamang timeslot ng P.O.5 at Star Factor  simula ala-1 ng hapon . Magtatagisang ng galling ang apat na grand finalists para makamit ang grand prize package na P1 M cash tax-free, P1 M management contract sa Talent5 (ang talent management and development division ng TV5), isang 4-year college scholarship sa AMA Education System at isang 3-bedroom, 2-storey house and lot mula sa Moldex Realty.

Ang iba pang Star Factor finalists ay sina Christian Samson ng Bulacan, 17 years old, sophomore Pre-Dentistry student; Morisette Amon ng  Cebu, 14 years old, 2nd year high school at ang 16 years old freshman Accountancy student na si Ritz Alzul ng Pampanga.

Ang Starmakers ay sina Audie Gemora, Joey Reyes, Raymund Isaac, Ryan Cayabyab at Annabelle Rama.

Hosted by Ruffa Gutierrez, co-hosts ng special program sina John Estrada, Amy Perez, Richard Gomez at Lucy Torres.

May special performances sina Mocha Unson, Wendy Valdez, Princess Ryan, Milagring, Luningning, Mariposa, Edgar Allan Guzman, Rainier Castillo, Rodjun Cruz, Chris Cayzer, Gerald Santos, Tom Rodriguez, Jose Manalo, Wally Bayola, Gloc 9, Bituin Escalante. Frenchie Dy, Jay Durias, Pops Fernandez, Ariel Rivera at marami pang iba. Joe Cezar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply