Stress-Free X’mas

MALAMIG  na ang simoy ng hangin at malapit na ang Simbang Gabi, siyam na araw na nobena na magsisimula sa Miyerkules, Disyembre 16.

Pero sa Pilipinas, kung saan Setyembre pa lang ay nagsisimula nang magpatugtog ng mga awiting pamasko,  ang Kapaskuhan ay nagdudulot sa marami ng matinding stress.

Dahil na rin sa komersyalisasyon ng Pasko,  naging kaisipan at nakagawian na ang Pasko ay panahon ng pagpapabongga – magagarang damit at sapatos, engrandeng salu-salo at walang katapusang x’mas parties at mamahaling regalo.

Tila nakakalimutan, na para sa mga Kristyano, ang tunay na diwa ng pasko ay ang pagmamahalan, pagsasama ng pamilya at pagbibigayan.

Para naman maiwasan ang stress, heto ang ilang mga tips na nakatulong sa akin para hindi mangarag tuwing Pasko:

1.    Isipin na pwedeng mairaos ang Pasko sa simpleng paraan at di kailangang makipag-bonggahan sa kapitbahay at kamag-anak.  Kung magde-decorate sa bahay, hindi kailangang napakaraming palamuti at ilaw. Bukod sa mahal ang mga ilaw, magastos ito sa kuryente at maaaring maging sanhi pa ng sunog.

2.    Kung magbibigay ng regalo, mas ok kung magagamit o makakain ang mga ito.  Iniiwasan kong magbigay ng regalong pang-dekorasyon lamang dahil maaring di ko naman alam ang taste o panlasa ng aking reregaluhan. Pwede ring magsimulang mag-ipon ng pang-regalo sa Enero pa lang para di magahol sa pamimili at di gaanong masakit sa bulsa.

3.    Pwedeng ibalot ang regalo sa mga lumang dyaryo at magazine at lagyan ng mga drawings o ginupit na mga imahe sa x’mas cards na natanggap mo noong nakaraang pasko.  Recycling ang tawag dito. Maging mapanlikha.

4.    Sa hapag, kahit dalawa o tatlong putahe ang handa, ok na.  Di naman kailangang laging may hamon at keso. Isipin na mataas sa kolesterol ang mga ito at gusto nating manatiling malusog.

5.    Hindi kailangang puntahan ang lahat ng imbetasyon na handaan.  Iwasang kumain ng mga pagkaing maraming taba o mataas sa kolesterol.  Maraming inaatake sa puso o tumataas ang presyon sa panahong ito.

6.  Ilaan ang Pasko sa mga mahal sa buhay, lalung-lalu na sa pamilya na kaagapay natin sa maraming tagumpay at hamon sa buhay. Liza Maza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply