Sunog sa PALEA office, pananabotahe kaya?

MAAARING isang pananabotahe ang pagkakasunog sa gusali na ginagamit na tanggapang ng Philippine Airlines Employess Association (PALEA) sa Tomas Claudio Street, Baclaran, Parañaque nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon kay National Capital Region Bureau of Fire Protection Director Pablito Cordeta, hindi nila isinasantabi ang anggulong pananabotahe lalo pa’t may nagaganap na labor dispute sa pagitan ng PALEA at Philippine Airlines management.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naging sanhi ng sunog na tumupok sa ikatlong palapag ng gusali na pinaglalagyan ng mahahalagang dokumento at kagamitan ng unyon.

Ayon sa ulat ni arson investigator Teodoro Gatchalian ng Parañaque Fire Protection Station, inatayang 20 katao ang nasa ika-apat na palapag ng gusali nang maganap ang paglagablab sa ikatlong palapag.

Dakong alas-siyete ng umaga nang sumiklab ang sunog. Mula sa unang alarma, itinaas ang fire alarm sa Task Force Delta.

Alas-otso ng umaga nang idineklarang under control ang sunog.

Tinatayang tatlong milyon piso ang halaga ng pinsala dahilan sa insidente. Wala namang napaulat na nasaktan o namatay sa sunog. Johnny F. Arasga

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply