Sunog sa Taguig, 3 paslit nawawala, 150 kabahayan natupok

TATLONG paslit ang nawawala habang 300 pamilya ang nawalan ng tirahan ngayong Pasko makaraang tupukin ang kabahayan sa Taguig City, linggo ng gabi.

Batay sa report ng dzBB, nagsimula ang sunog bandang 11:25 p.m. sa BCDA Compound, Ususan village na umabot sa Task Force Alpha bago naapula bandang 1:25 ng madaling-araw ng Lunes.

Ayon sa report, hinahanap pa rin hanggang ngayon ng mga residente at awtoridad ang mga bata na kinilala lamang sa pangalang Leo Ray ay John Rainier Servano; at Benj Bacalso.

Batay kay Walter Arcilla, isa sa mga residenteng nasunugan, nakarinig sila ng pagsabog ng LPG tank sa bahay ng isang nagngangalang Ampalatin.

Batay sa ulat ng Arson investigators, tinatayang 150 kabahayan ang natupok ng naturang sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply