Sunog sa Tuguegarao, 16 na ang patay

UMABOT na sa16 ang namamatay sa naganap na sunog kamakalawa ng madaling-araw sa Tuguegarao City makaraang mamatay sa Cagayan Valley Medical Center kagabi ang isa pang biktima.

Binawian ng buhay si Julius Gaduang, nursing graduate ng University of La Sallete sa Santiago City, Isabela.

Matatandaan na 15 katao ang namatay nang tupukin ng apoy ang limang palapag na Bed and Breakfast Pension House sa Luna at Mabini St. , sa nabanggit na lungsod dakong 1:00 a.m na tumagal ng apat na oras.

Sampu sa mga namatay ay pawang graduate ng nursing sa University of Lasalette  sa Santigao City na nakatakda sanang kumuha ng dalawang araw na Nursing Licensure Examination sa naturang lungsod.

Nabatid na ang anim pang mga namatay ay halos iisang pamilya kabilang ang may-ari ng pension house na sina Norman Fondevilla at ang asawa nitong  si Amibel, mga kaanak na sina Mildred De Leon, Karyle De Leon, Josh De Leon at ang kanilang kasambahay na si Jennifer Agtarap.

Natagpuan ang bangkay ng mag-asawa sa ikalimang palapag ng gusali na magkayakap pa samantalang nasa kritikal pa ring kalagayan ang isa pang kaanak ng may-ari na si Peter Fondevilla na nagtamo ng matinding sunog sa buong katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Tuguegarao Bureau of Fire Protection, may sumabog sa motorcycle shop na nasa ground floor ng naturang gusali kung saan mabilis na kumalat ang apoy dahil maraming mga materyales ang madaling matupok doon.

Kasalukuyang nakalagak sa University of Lasalette ang mga labi ng mga namatay na sina Jerome Saet, Francis Caranas, Nelman Galapia, Marlon Justine Viernes, Ryan James Malaki, Richard Allan Gonzales, Roswaldo Respicio, Narl Gensan Lopez, Henderson Welle Lodevico at  Julius Gaduang.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply