Supporters ng Morong 43 nagprotesta sa DOJ

NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang mga tagasuporta ng Morong 43 sa harap ng tanggapan ng Department of Justice (DOJ) sa Padre Faura St. sa Ermita, Maynila.

Sa nasabing protesta, iginiit ni Dr. Romeo Quijano ng Health Action for Human Rights at professor ng University of the Philippines (UP) College of Medicine na dapat na palayain lahat ang 43 health workers na tinaguriang Morong 43 sa sandaling iurong na ng DOJ ang kasong illegal possession of firearms and explosives laban sa mga ito sa Morong Regional Trial Court (RTC).

Isinagawa ni Quijano ang pahayag makaraang sabihin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi dapat palayain ang lima sa 43 health workers dahil may kinakaharap na ibang kaso ang mga ito bukod pa ang ginawang pag-amin na sila umano ay miyembro ng New People’s Army (NPA).

Sinabi ni Quijano na tulad ng depektibong paghahain ng AFP ng search warrant sa Morong, Rizal noong Pebrero, hindi rin dapat tanggapin ng korte bilang ebidensya ang ginawa umanong pag-amin ng limang health worker dahil isinagawa ito habang wala silang kasamang abogado.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply