Supporters ng mga Vizconde nagsagawa ng vigil

KASABAY ng pagsisimula ng Supreme Court (SC) sa deliberasyon ng kaso ng Vizconde Massacre case, nagsimula na rin ang isinasagawang vigil ng mga tagasuporta ng Vizconde family para sa paghahanap ng hustisya sa naturang krimen.

Batay sa report ng dzBB, nagsagawa ng vigil sina Lauro Vizconde at ang kanyang mga  supporters, kabilang na ang Volunteers Against Crime and Corruption, sa bahay mismo ng mga Vizconde sa southern Metro Manila.

Nakatakdang magsimula ang deliberasyon sa kaso ngayong Martes ng umaga kung saan inihayag ni SC spokesman Jose Midas Marquez na maaari na ring malaman ang desisyon ngayong araw.

“Pagdedebatehan nila yan. Pag nagkasunduan na, maaring lumabas ” ayon kay Marquez sa panayam sa dzBB.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply