Surigao del Sur, 2 beses nilindol

DALAWANG beses nakaranas ng lindol ang Surigao del Sur, Lunes ng umaga.

Naitala ang unang pagyanig na may magnitude 2.9 bandang  9:10 a.m., na may  epicenter na 40 km northeast ng Tandag, Surigao del Sur, batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Batay sa ipinalabas na bulletin ng Phivolcs, tectonic origin ang naturang lindol.

Habang naitala ang ikalawang pagyanib bandang 9:30 a.m., na may epicenter na 32 km northeast sa Tandag na may magnitude na  2.7.

Wala namang naitalang aftershocks at wala ring nasirang ari-arian.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply