Surigao nilindol

NIYANIG ng lindol na may magnitude na 5.1 ang Surigao, Biyernes ng madaling-araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig bandang 4:03 a.m., na may tectonic origin.

Batay sa 8:00 a.m.bulletin update ng Philvocs, naitala ang epicenter sa may 71 km northeast ng General Luna, Surigao.

Naramdaman ang lindol na may Intensity IV sa Dinagat Island, San Jose; Intensity III in Pilar, Siargao Island; at Intensity II sa Surigao City.

Samantala, wala naming naitalang aftershocks at wala ring nasirang ari-arian.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply