Marikina hostage taker, mahigpit na binabantayan

MAHIGPIT na binabantayan ng pulisya ang seguridad ng suspek sa hostage taking incident na nagresulta ng pagkamatay ng isang babae sa Marikina City, noong Huwebes.

Ayon sa Radio report ng  dzBB’s, mahigpit na binabantayan ngayon sa piitan ang suspek na nakilala lamang sa pangalang Elpidio Mabahin.

Batay sa report, nakatakdang sampahan ng iba’t ibang kaso si Mabahin matapos umano nitong mapatay ang kanyang live-in partner na nakilala lamang sa pangalang Erlinda.

Nabatid sa imbestigasyon na nagtungo si Mabahin sa bahay ng kanyang live-in partner sa Barangka village sa Marikina City bandang 3:00 ng hapon ng Huwebes kung saan nagkaroon sila ng matinding pagtatalo dahil umano sa panlalalaki ni Erlinda.

Kinandado ng suspek ang pinto sa loob ng bathroom na tumagal ng 40 minuto bago puwersahang pinasok ng mga pulis ang naturang bahay.

Gumulantang sa mga rumespondeng pulisya ang katawan ni Erlinda na nakahandusay at may mga sugat sa katawan.

Ayon sa mga kapitbahay, nakaranas ng matinding depresyon ang suspek kung saan nakikita nilang kinakausap nito ang kanyang sarili bago mangyari ang naturang insidente.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply