Taas pasahe sa bus sa Bagong Taon, nakaamba

KINUMPIRMA ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) na magtataas sila ng singil sa pasahe sa pagpasok ng Bagong Taon.

Ang fare hike ay kasabay na rin ng pagtaas ng toll fee sa South Luzon Expressways sa 2011.

Ayon kay Mercado, bagama’t mag-uusap pa ang mga opisyal ng samahan kung magkano ang itataas sa pasahe ay maglalaro lamang sa 30 hanggang 50 centavos kada kilometro ang maaari nilang itaas sa susunod na taon.

Sa kasalukuyan, ang pasahe sa provincial ordinary bus ay P130 kada kilometro habang P160 sa airconditioned provincial bus.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Jose Aguido, opisyal ng Metro Bus Operators na magtataas din sila ng pasahe sa mga passenger bus sa Metro Manila. Johnny F. Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply