Takot madukot; Klase sa Basilan, sinuspinde

SUSPENDIDO ngayon ang klase sa ilang paaralan sa Lamitan, Basilan bunsod sa pangamba ng mga guro na dukutin sila ng mga bandidong Abu Sayyaf.

Ayon kay Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Police Director C/Supt. Bienvenido Latag,  nagpasya si Lamitan School Division Superintendent Jailani Tandi na suspendihin na ang klase sa Dangkalan, Magsaysay, Kampo Uno, Baas, Buhay Ibo, Manaued at Burgos Elementary Schools hangga’t hindi natitiyak ang kaligtasan ng mga guro.

Dahil ditto, may pagpupulong na gagawin sa pagitan ng mga guro, pulis, militar at local government units (LGU) kaugnay sa ipatutupad na seguridad sa mga paaralan doon bago bumalik sa pagtuturo ang mga guro sa Lunes.

Nakahanda naman umano ang Philippine Army at Philippine National Police (PNP) na bigyan ng proteksyon ang mga guro.

Nilinaw din ni Latag na hindi nila inilikas ang mga guro sa ilang eskwelahan kahapon ng umaga, kundi tumanggi talagang pumasok ang mga ito matapos na ring dukutin ang 12 mangingisda sa kanilang lugar kamakalawa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply